JOHN
Chapter 5
Pinagaling ni Jesus ang Maysakit
1 Pagkatapos, pumunta si Jesus sa Jerusalem para umattend sa isa pang pyesta ng mga Jews. 2* May isang pool sa Jerusalem na tinatawag na Bethzatha. Malapit yun sa Sheep Gate at may limang entrance. 3 Nakahiga sa mga entrance ang maraming maysakit, mga bulag, mga pilay at mga paralyzed. [\v 4 Naghihintay silang gumalaw ang tubig, kasi may time na may bumababang angel ng Panginoon at pinapagalaw ang tubig. Gumagaling ang maysakit na mauunang makapunta sa tubig, kahit ano pa ang sakit nya.] 5 May isang lalaki dun na 38 years nang may sakit. 6 Nakita ni Jesus ang lalaki at alam nyang matagal na itong may sakit. Tinanong ni Jesus ang lalaki, “Gusto mo bang gumaling?”
7 Sumagot ang maysakit, “Sir, wala pong magdadala sa akin sa tubig pag gumalaw na to. Papunta pa lang ako, may nauuna na sa akin.”
8 Sinabi ni Jesus, “Tumayo ka. Kunin mo ang higaan mo at lumakad ka.” 9 Gumaling agad ang lalaki, kinuha ang higaan nya at naglakad.
Araw yun ng Sabbath,
10 kaya nag-react ang mga leaders ng Jews at sinabi sa lalaking pinagaling, “Araw ng Sabbath ngayon, bawal sa Law natin na bitbitin mo yang higaan mo.”
11 Sumagot ang lalaki, “Yung nagpagaling sa akin ang nagsabing kunin ko ang higaan ko at maglakad.”
12 Tinanong sya ng mga Jewish leaders, “Sinong nagsabi sayo na gawin yan?”
13 Pero hindi kilala ng lalaki kung sino si Jesus. Napakaraming tao nung time na yun at nakaalis na si Jesus.
14 Maya-maya, nakita ni Jesus ang lalaki sa Temple, at sinabi nya, “O, magaling ka na. Tigilan mo na ang paggawa ng kasalanan at baka mas malala pa ang mangyari sayo.”
15 Umalis na ang lalaki at sinabi sa mga Jewish leaders na si Jesus ang nagpagaling sa kanya. 16 Dahil dito pinersecute ng mga leader si Jesus, kasi nagpagaling sya sa araw ng Sabbath. 17 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi tumitigil sa pagtatrabaho ang Tatay ko, kaya dapat, magtrabaho din ako.”
18 Dahil sa sinabing ito ni Jesus, lalo pa syang gustong patayin ng mga Jewish leaders. Hindi lang nya nilabag ang batas tungkol sa Sabbath, kundi sinabi pa nyang Tatay nya ang Diyos. Parang sinabi nya na rin na kapantay nya ang Diyos.
Ang Kapangyarihan ng Anak
19 Sinagot sila ni Jesus, “Tandaan nyo, walang magagawa ang Anak kung mag-isa lang sya. Ginagawa nya kung anong nakikita nyang ginagawa ng Tatay nya. Kung anong ginagawa ng Tatay, yun din ang ginagawa ng Anak. 20 Mahal ng Tatay ang Anak kaya pinapakita nya sa Anak lahat ng ginagawa nya. Magpapakita pa ang Tatay sa Anak ng mas dakilang bagay kesa sa mga ito, at mapapabilib kayong lahat. 21 Kung paano bumubuhay ng patay at nagbibigay ng buhay ang Ama, ganun din bibigyan ng buhay ng Anak ang sino mang gusto nyang bigyan. 22 Walang hinahatulan ang Ama, pero binigay nya sa Anak ang karapatang humatol, 23 para igalang ng lahat ang Anak kung paano nila ginagalang ang Ama. Sino mang hindi rumerespeto sa Anak ay hindi rumerespeto sa Ama na nagpadala sa kanya.
24 “Tandaan nyo, yung mga nakakarinig ng salita ko at naniniwala sa nagpadala sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi sila hahatulan, pero tumawid na sila mula sa kamatayan papunta sa buhay. 25 Tandaan nyo, dadating na ang time, at dumating na nga, na maririnig ng mga namatay ang boses ng Son of God, at mabubuhay ang lahat ng makakarinig nito. 26 Kung paanong nagbibigay ng buhay ang Ama, binigyan din ng ganung karapatan ang Anak. 27 Binigyan din ang Anak ng karapatang humatol, kasi sya ang Son of Man. 28 Wag kayong magtaka dito, dadating na ang time na maririnig ng mga patay ang boses ng Son of Man. 29 Lalabas sila sa mga libingan nila. Babangon at mabubuhay yung mga gumawa ng mabuti, at yung mga masasama, babangon at paparusahan.”
Mga Witness tungkol kay Jesus
30 “Wala akong magagawa sa sarili kong kapangyarihan. Humahatol ako ayon sa sinabi sa akin ng Diyos, kaya tama ang hatol ko. Hindi kasi yung gusto ko ang sinusunod ko, kundi yung gusto ng nagpadala sa akin.
31 “Kung ako lang ang nagsasalita tungkol sa sarili ko, hindi totoo ang mga sinasabi ko. 32 Pero may ibang nagte-testify para sa akin, at alam kong totoo ang sinasabi nya tungkol sa akin. 33 Nagpadala kayo ng mga messengers kay John at nagsalita sya tungkol sa katotohanan. 34 Hindi kailangan na may taong magsasalita para sa akin. Sinasabi ko lang to para maligtas kayo. 35 Parang matinding ilaw si John, binigyan nya kayo ng init at liwanag, at natuwa kayo sa liwanag na dala nya kahit sandali lang. 36 Pero may sinasabi tungkol sa akin na mas dakila pa sa sinasabi ni John. Yung mga ginagawa ko, yung mga bagay na pinapagawa sa akin ng Tatay ko, ito yung mga nagpapatunay na pinadala nga ako ng Ama. 37 At ang Ama na nagpadala sa akin ay nagsasalita din tungkol sa akin. Hindi nyo pa narinig ang boses nya o nakita ang mukha nya, 38 at hindi nyo rin iniingatan ang mensahe nya sa puso nyo, kasi hindi kayo naniniwala sa pinadala nya. 39 Pinag-aaralan nyo ang Scriptures, kasi iniisip nyong makikita nyo dun ang buhay na walang hanggan. Ako mismo ang tinutukoy ng Scriptures, 40 pero ayaw nyong lumapit sa akin para magkaroon kayo ng buhay.
41 “Ayoko ng papuri ng mga tao. 42 Kilala ko kayo, at alam kong hindi nyo mahal ang Diyos. 43 Dumating akong dala ang kapangyarihan ng Tatay ko, pero hindi nyo ako tinanggap. Pero kung may dadating dala ang sarili nyang kapangyarihan, tatanggapin nyo. 44 Gustung-gusto nyong tumanggap ng papuri galing sa isat-isa, pero ayaw nyong purihin kayo ng nag-iisang Diyos. Paano kayo maniniwala sa akin? 45 Wag nyong isipin na ididiin ko kayo sa harap ng Ama. Ang inaasahan nyong si Moses, sya mismo ang magdidiin sa inyo. 46 Kung naniniwala talaga kayo kay Moses, naniniwala din dapat kayo sa akin, kasi tungkol sa akin ang mga sinulat nya. 47 Pero dahil hindi kayo naniniwala sa mga sinulat nya, paano kayo maniniwala sa sinasabi ko?”

Footnotes


5:2 + Bethzatha: Sa ibang manuscripts, Bethesda o Bethsaida.