ROMANS
Chapter 9
Ang Diyos at ang Bayan Nya
1 Totoo ang sinasabi ko at hindi ako nagsisinungaling. Si Christ ang sinusunod ko at gina-guide ng Holy Spirit ang konsensya ko pag sinasabi kong 2 sobrang lungkot ko at nasasaktan ang puso ko 3 para sa sarili kong mga kababayan, ang mga Jews. Sana ako na lang ang sumpain ng Diyos at mahiwalay kay Christ kapalit nila. 4 Mga Israelite sila, tinuring silang mga anak ng Diyos, pinakita sa kanila ang kadakilaan nya, nakipagkasundo sya sa kanila at binigay sa kanila ang Jewish Law. Alam nila kung paano sambahin ang Diyos, tinanggap nila ang mga pangako nya, 5 nanggaling ang mga kilalang ancestors sa kanila, at sa pagiging tao ni Christ, sa lahi ng mga Jews din sya nanggaling. Purihin ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, ngayon at kailanman! Amen.
6 Hindi ko sinasabing hindi natupad ang mga pangako ng Diyos. Hindi kasi lahat ng Jews ay totoong kasama sa mga pinili ng Diyos. 7 Hindi rin lahat ng nanggaling sa lahi ni Abraham ay totoong mga anak ng Diyos. Sinabi sa kanya ng Diyos, “Manggagaling kay Isaac ang lahing pinangako ko sayo.” 8 Ibig sabihin, hindi ang mga pinanganak sa natural na paraan ang totoong mga anak ng Diyos, kundi yung mga pinanganak ayon sa pangako ng Diyos. 9 Ganito ang pangako, “Babalik ako next year, mga ganitong time, at magkakaanak si Sarah ng isang lalaki.”
10 Naalala nyo pa, nagkaanak din si Rebecca sa ancestor nating si Isaac ng kambal na lalaki. 11-12 Pero para mangyari ang plano ng Diyos sinabi nya kay Rebecca, “Magse-serve ang mas matanda sa mas bata.” Nangyari ito bago pa sila pinanganak at bago pa sila gumawa ng tama o mali. Nangyari to kasi ito ang gusto ng Diyos at hindi yun dahil sa ginawa nila. 13 Gaya ng nakasulat sa scripture, “Minahal ko si Jacob, pero ni-reject ko si Esau.”
14 So, sasabihin ba nating unfair ang Diyos? Syempre, hindi! 15 Sinabi nya kasi kay Moses, “Maaawa ako kung kanino ko gustong maawa at mahahabag ako kung kanino ko gustong mahabag.” 16 So hindi ito nakadepende sa gusto ng tao o sa ginagawa nya kundi sa awa ng Diyos. 17 Sa scripture, sinabi ng Diyos sa hari ng Egypt, “Ginawa kitang hari kasi gagamitin kita para ipakita mo sa buong mundo ang kapangyarihan ko, at para makilala nila ako.” 18 Kaya nga, naaawa ang Diyos kung kanino nya gustong maawa, at ginagawa nyang matigas ang ulo ng kahit sinong gusto nya.
Ang Galit at Awa ng Diyos
19 Pero sasabihin nyo sa akin, “Kung walang makakapigil sa gusto ng Diyos, bakit nya sisisihin ang tao kung magkamali ito?” 20 Pero, kaibigan, sino ka para kwestyunin ang Diyos? Pwede bang magreklamo ang paso laban sa gumawa sa kanya, at sabihin, “Bakit ginawa mo akong ganito?” 21 Wala bang karapatan ang gumagawa ng paso na gawin sa putik kung anong gusto nya? Mula sa iisang tumpok ng putik, di ba sya pwedeng gumawa ng paso na pang-special na okasyon at isang pang-ordinary?
22 Ganito din ang ginawa ng Diyos. Gusto nyang ipakita ang galit at kapangyarihan nya, pero mapagpasensya din sya sa mga kinaiinisan nya at mga dapat nyang wasakin. 23 Gusto din nyang ipakita ang sobrang kadakilaan nya, kaya binuhos nya ito sa atin, sa atin na mga tumanggap ng awa nya. Hinanda nya tayo para tanggapin natin ang glory nya. 24 Tayo ang mga taong tinawag nya, hindi lang galing sa mga Jews pero galing din sa mga Gentiles. 25 Ito ang sinabi ng Panginoon sa libro ni Hosea,
“Ang mga taong hindi sa akin,
tatawagin ko silang, ‘Bayan ko.’
At yung hindi ko minahal,
tatawagin kong, ‘Minamahal ko.’
26 At yung lugar kung saan sinabing, ‘Hindi kayo ang bayan ko,’
dun sila tatawaging, mga anak ng Diyos na buháy.”
27 Ito ang sinisigaw ni Isaiah sa Israel, “Kahit pa sindami ng buhangin sa dagat ang bayang Israel, ilan lang sa kanila ang maliligtas, 28 kasi mabilis at siguradong hahatulan ng Diyos ang mundo.” 29 Ito nga ang nangyari ayon sa sinabi noon ni Isaiah, “Kung hindi nagtira ang Panginoon na Makapangyarihan sa lahat ng ilan sa atin, mawawasak tayo gaya ng Sodom at Gomorrah.”
Ang Israel at ang Magandang Balita
30 Ano ngayon ang masasabi natin? Kahit yung mga Gentiles na hindi nagta-try na matanggap ng Diyos ay tinanggap dahil sa faith nila. 31 Pero yung bayan ng Diyos na gustong tanggapin sila ng Diyos sa tulong ng batas, hindi nangyari yung gusto nila. 32 Bakit? Kasi inasahan nila yung mga ginawa nila imbes na magtiwala sila sa Diyos. Kaya nadapa sila dahil sa isang batong nakakadapa. 33 Ito yung bato na sinasabi ng scripture,
“Tingnan nyo! Naglalagay ako sa Zion ng isang bato
na magiging dahilan ng pagkadapa ng mga tao,
isang bato na magpapabagsak sa kanila.
Pero ang maniniwala sa kanya, hindi mapapahiya.”