1 Galing ang sulat na ito kay Paul, servant ni Christ Jesus, apostle na pinili at tinawag ng Diyos para i-preach ang Magandang Balita.
2 Pinangako ng Diyos ang Magandang Balita nung unang panahon, sinabi ito ng mga prophets nya sa Holy Scriptures. 3 Ang Magandang Balita ay tungkol sa Anak nya, ang Panginoon nating si Jesus Christ. Sa pagiging tao nya, pinanganak sya sa lahi ni David. 4 Sa pagiging banal nya, pinakita na sya ang makapangyarihang Anak ng Diyos nung binuhay sya mula sa kamatayan. 5 Dahil sa kanya, binigyan kami ng Diyos ng privilege na maging apostle ni Christ, para i-lead ang mga tao sa lahat ng mga bansa na maniwala at sumunod. 6 Kasama kayong mga taga-Rome, tinawag din kayo para maging disciple ni Jesus Christ.
7 Para sa inyong mga taga-Rome ang sulat kong to, kayong mga mahal ng Diyos at tinawag para maging banal na bayan nya.
Nagpasalamat si Paul sa Diyos
8 Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos sa tulong ni Jesus Christ dahil sa inyong lahat. Balitang-balita kasi sa buong mundo ang faith nyo sa kanya. 9 Lagi kayong kasama sa prayers ko, alam ng Diyos yan. Nagse-serve ako sa Diyos nang buong puso tuwing pini-preach ko ang Magandang Balita tungkol sa Anak nya. 10 Pinagpe-pray ko sa Diyos na gawin nyang posible na makapunta na ako dyan sa inyo ngayon. 11 Gustung-gusto ko na kasi kayong makita para ma-share ko sa inyo ang mga blessings na binigay ng Espiritu ng Diyos para mapalakas ang faith nyo. 12 Ibig kong sabihin, para matulungan natin ang isat-isa, para mapalakas ko ang faith nyo at mapalakas nyo din ako.
13 Mga kapatid, gusto kong malaman nyo na maraming beses kong pinlanong bisitahin kayo, pero laging hindi natutuloy. Gusto kong may ma-convince din akong maging disciples ni Christ dyan sa Rome, gaya ng nagawa ko sa ibang mga Gentiles. 14 May obligasyon kasi ako sa lahat ng tao, sa mga civilized at sa mga hindi, sa mga marunong at sa mga walang alam. 15 Kaya nga, gustung-gusto ko ring i-preach ang Magandang Balita dyan sa inyo sa Rome.
Ang Kapangyarihan ng Magandang Balita
16 Buo ang tiwala ko sa Magandang Balita. Ito ang kapangyarihan ng Diyos para iligtas ang lahat ng naniniwala kay Christ, una ang mga Jews, tapos mga Gentiles. 17* Pinapakita kasi ng Magandang Balita kung paano tinatanggap ng Diyos ang tao dahil sa faith nila, at wala nang ibang paraan pa. Gaya ng sinasabi sa scripture, “Ang tinuring ng Diyos na matuwid dahil sa faith ay mabubuhay.”
Ang Kasalanan ng Tao
18 Pinapakita ng Diyos ang tindi ng galit nya galing sa langit laban sa lahat ng kasalanan at kasamaan ng mga taong pumipigil sa katotohanan dahil sa kasamaan nila. 19 Kasi, malinaw sa kanila ang mga dapat malaman tungkol sa Diyos dahil pinaintindi yun ng Diyos sa kanila. 20 Simula pa nung crineate ng Diyos ang mundo, malinaw nyang ni-reveal ang mga katangian nyang hindi nakikita, yung walang hanggan nyang kapangyarihan at ang pagiging Diyos nya. Pinakita nya to sa tulong ng mga bagay na crineate nya, kaya wala nang excuse ang mga tao. 21 Kilala nila ang Diyos, pero hindi nila binibigay sa kanya ang karangalang para sa kanya, ni hindi sila nagpapasalamat sa kanya. Instead, yung mga bagay na walang sense ang iniisip nila at dumilim na ang mga utak nilang walang laman. 22 Sabi nila matalino sila, pero ang totoo, mga bobo sila. 23 Imbes na sambahin ang Diyos na walang hanggan, sinasamba nila yung mga estatwa na mukhang tao, mga ibon, at ibat-ibang hayop na lumalakad o gumagapang.
24 Kaya pinabayaan na sila ng Diyos sa mga maruruming bagay na gusto nilang gawin, at sa mga kahalayang ginagawa nila sa isat-isa. 25 Pinagpalit nila sa hindi totoo ang katotohanan tungkol sa Diyos. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga ginawa ng Diyos, imbes na ang mismong Creator, na dapat purihin magpakailanman! Amen.
26 Dahil dito, pinabayaan na sila ng Diyos na gawin ang mga kahiya-hiyang bagay na gusto nilang gawin. Pinagpalit na ng mga babae ang natural na pakikipag-relasyon sa mga di-natural na paraan, sa kapwa babae na sila nakikipag-relasyon. 27 Ganun din ang mga lalaki, ayaw na nila ang natural na pakikipag-relasyon sa mga babae, yung kapwa na nila lalaki ang gusto nilang makarelasyon. Kahiya-hiya yung mga ginagawa nila sa isat-isa, kaya sila mismo ang tumanggap ng parusang bagay sa mga kasalanan nila.
28 Dahil ayaw ng mga tao na intindihin at kilalanin ang Diyos, hinayaan sila ng Diyos sa mga masasama nilang iniisip, kaya ginagawa nila ang mga bagay na di dapat nila ginagawa. 29 Sobra silang masama, malupit, sakim, at marumi ang pag-iisip. Lagi silang nag-iinggitan, nagpapatayan, nag-aaway, nandadaya, at nag-iisip ng masama sa kapwa. Nagtsitsismisan sila 30 at nagsisiraan sa isat-isa. Galit sila sa Diyos, bastos, mayabang, at masyadong mataas ang tingin sa sarili. Nakakaisip pa sila ng maraming masasamang bagay, at lumalaban sila sa mga magulang nila. 31 Wala silang konsensya, hindi sila tumutupad sa mga pangako, at wala silang puso o awa sa iba. 32 Alam nilang sinasabi sa batas ng Diyos na dapat mamatay ang mga taong ganito ang pamumuhay, pero kahit ganun, tuloy pa rin sila sa paggawa ng mga ito. At hindi lang yun! Kinukunsinti pa nila ang mga taong gumagawa rin ng mga ito.
Footnotes
1:17
+ Ang tinuring ng Diyos na matuwid dahil sa faith ay mabubuhay: o Ang tinuring ng Diyos na matuwid ay mabubuhay dahil sa faith nya.