ROMANS
Chapter 4
Ang Halimbawa ni Abraham
1 Ano ngayon ang masasabi natin tungkol kay Abraham, yung ancestor natin? Anong na-experience nya? 2 Kung tinuring syang matuwid ng Diyos dahil sa mga ginawa nya, may mapagyayabang sya, pero hindi sya makakapagyabang sa harap ng Diyos. 3 Sabi sa scripture, “Naniwala si Abraham sa Diyos, at dahil sa faith nya, tinuring syang matuwid ng Diyos.” 4 Sinuswelduhan ang isang taong nagtatrabaho, at hindi yun regalo, bayad yun sa kanya. 5 Pero yung mga taong hindi nakadepende sa gawa kundi sa faith, naniniwala sila sa Diyos na nagsasabing wala nang kasalanan yung mga guilty. Ito yung faith nila na nagiging basehan ng Diyos para tanggapin nya sila. 6 Ito yung ibig sabihin ni David nung sinabi nyang blessed ang mga taong kinonsider ng Diyos na matuwid nang hindi dahil sa mga gawa nila. Sabi ni David,
7 “Blessed ang mga taong pinatawad sa mga mali nilang ginawa,
yung mga pinatawad sa mga kasalanan nila!
8 Blessed ang taong hindi na sisingilin ng Panginoon sa mga kasalanan nya!”
9 Para lang ba sa mga circumcised itong blessing na sinabi ni David? Aba, hindi! Para din to sa mga hindi circumcised. Sinasabi nga natin, “Naniwala si Abraham, at dahil dito, tinanggap syang matuwid ng Diyos.” 10 Kailan to nangyari, bago ba ma-circumcise si Abraham o after pa? Nangyari to bago sya ma-circumcise, hindi pagkatapos. 11 Naging sign yung circumcision nya para ipakita na bago pa sya i-circumcise, tinuring na syang matuwid ng Diyos dahil sa faith nya. Kaya si Abraham ang spiritual na tatay ng lahat ng may faith sa Diyos at mga tinanggap ng Diyos na matuwid kahit hindi sila circumcised. 12 Sya rin ang tatay ng mga na-circumcise, pero hindi yung basta lang na-circumcise, kundi sumusunod din sa example ng faith ng ancestor nating si Abraham bago pa sya tuliin.
Natatanggap ang Pangako ng Diyos dahil sa Faith
13 Pinangako ng Diyos kay Abraham at sa magiging lahi nya na mamanahin nila ang mundo. Sinabi nya to hindi dahil sinunod ni Abraham ang Law, pero dahil nanalig sya at ginawa syang matuwid ng Diyos. 14 Kasi kung sa mga sumusunod sa Law lang binibigay ng Diyos ang pangako nya, magiging walang kwenta ang faith at mababalewala ang pangako ng Diyos. 15 Nagagalit ang Diyos pag hindi nasusunod ang Law nya, pero kung walang batas, wala ring paglabag sa batas.
16 Kaya nga, sa faith nakadepende ang pangako, para mapatunayan na nakabase sa kabaitan ng Diyos ang pangako para sa lahat ng anak ni Abraham. Hindi lang to para sa mga sumusunod sa Law, para din to sa mga may paniniwala kagaya ng faith na pinakita ni Abraham. Kasi si Abraham ang spiritual na tatay nating lahat. 17 Nakasulat nga sa scripture, “Ginawa kitang tatay ng maraming bansa.” May bisa ang pangakong to kasi Diyos mismo ang nangako nito. Sya ang Diyos na pinaniwalaan ni Abraham, ang Diyos na bumubuhay ng mga patay at nagki-create ng mga bagay mula sa wala. 18 Nanalig si Abraham at umasa kahit hopeless na, at naging tatay sya ng maraming bansa. Ito ang nakasulat sa scripture, “Magiging napakarami ng lahi mo.” 19 Halos 100 years old na sya nun pero hindi nanghina ang faith nya, kahit alam nyang halos patay na ang katawan nya at hindi kayang magbuntis ni Sarah. 20 Hindi nawala ang faith nya at hindi sya nagduda sa pangako ng Diyos. Pinalakas sya ng faith nya at pinuri nya ang Diyos. 21 Siguradong-sigurado si Abraham na tutuparin ng Diyos ang pangako nya. 22 Kaya dahil sa faith nya, “tinuring syang matuwid ng Diyos.” 23 Hindi lang para kay Abraham sinulat yung mga words na “tinuring syang matuwid.” 24 Sinulat din to para sa atin na ituturing nyang matuwid kasi naniniwala tayo sa Diyos na muling bumuhay kay Jesus na Panginoon natin. 25 Dahil sa mga kasalanan natin kaya sya pinapatay, at binuhay sya para gawin tayong matuwid sa harap ng Diyos.