ROMANS
Chapter 11
May Awa ang Diyos sa Israel
1 Ito ang tanong ko, ni-reject ba ng Diyos ang sarili nyang bayan? Hindi! Ako mismo, Israelite ako at galing sa lahi ni Abraham, sa tribe ni Benjamin. 2 Hindi ni-reject ng Diyos ang bayan na pinili nya. Di ba, sinabi sa scriptures nung nakiusap si Elijah sa Diyos laban sa Israel? 3 “Lord, pinatay nila ang mga prophets nyo, giniba nila ang mga altars nyo. Ako na lang ang natira at gusto nila akong patayin.” 4 Anong sagot sa kanya ng Diyos? “Meron pa akong 7000 followers na hindi sumamba sa diyos-diyosan na si Baal.” 5 So, ganito din ngayon. Meron pang ilan na natitirang tapat, pinili sila ayon sa kabaitan ng Diyos. 6 Dahil sa kabaitang ito kaya sila pinili ng Diyos, at hindi dahil sa ginawa nila. Kasi pag ganun, hindi na yun dahil sa kabaitan ng Diyos.
7 So, paano na? Hindi nakita ng Israel ang hinahanap nila. Isang maliit na grupo lang na pinili ng Diyos ang nakakita nun, at naging matigas ang ulo ng iba. 8 Sinasabi ng scriptures,
“Hinayaan ng Diyos na maging mapurol ang mga isip at puso nila,
hindi makakita ang mga mata nila,
hindi makarinig ang mga tenga nila,
hanggang sa araw na to.”
9 Sinabi pa ni David,
“Gawin mong mga trap ang mga handaan nila para mahuli sila,
yun ang magpapabagsak at magiging parusa sa kanila.
10 Mabulag sana ang mga mata nila para hindi sila makakita,
at habang buhay silang makuba sa sobrang hirap.”
11 Ito ngayon ang tanong ko, sinasabi ko bang bumagsak na ang Israel at wala na silang pag-asang makabangon? Syempre, hindi! Dahil nagkasala sila kaya nakarating ang kaligtasan sa mga Gentiles, nangyari yun para mainggit ang mga Jews sa kanila. 12 Kung dahil sa kasalanan ng mga Jews kaya sobrang bliness ang mundo, at yung pagbagsak naman nila ang nagbigay ng maraming blessing sa mga Gentiles, siguradong mas maraming blessing pag nagbalik-loob sa Diyos ang buong Israel.
Ang Kaligtasan ng mga Gentiles
13 Ngayon para sa Gentiles naman ang sasabihin ko, as long as ako ang apostle para sa mga Gentiles, ipagmamalaki ko ang trabaho ko. 14 Sana sa ganitong paraan, mainggit ang mga kababayan ko para maligtas ang ilan sa kanila. 15 Nung ni-reject ang mga Jews, naging kaibigan ng Diyos ang lahat ng ibang tao na dating mga kaaway nya. Ano pa kaya kung tinanggap uli ang mga Jews? Parang nabuhay uli ang mga patay!
16 Kung inalay sa Diyos ang unang part ng tinapay, kanya na rin ang buong tinapay. Kung inalay sa Diyos ang mga ugat ng isang puno, kanya na rin pati mga sanga nito. 17 Pinutol ang ilan sa mga sanga ng olive tree para ikabit sa punong ito ang isang sanga ng ligaw na olive tree. Ikaw na Gentile, ikaw yung ligaw na sanga ng olive tree, at ngayon, nakiki-share ka sa matibay na spiritual life ng mga Jews. 18 Wag kang magyabang sa mga pinutol na sanga. Tandaan mong hindi ikaw ang bumubuhay sa ugat, ang ugat ang bumubuhay sayo.
19 Sasabihin mo naman, “Oo nga, pero pinutol ang mga sanga para ikabit ako.” 20 Totoo yan, pinutol sila dahil wala silang faith, pero ikaw, nakakabit ka pa rin dahil sa faith mo. Kaya, wag kang magyabang, instead matakot ka sa Diyos. 21 Kung pinutol ng Diyos ang mga natural na sanga, yung mga Jews, ikaw pa kaya? Pwede nya ring gawin yun sayo. 22 Makikita natin dito kung gaano kabait at kalupit ang Diyos. Malupit sya sa mga nagkakasala, pero mabait sya sayo, kung magpapatuloy ka sa kabaitan nya. Pero kung hindi, puputulin ka rin. 23 At kung magkakaroon ng faith ang mga Jews, ikakabit ulit sila sa puno kung saan sila galing. May kapangyarihan kasi ang Diyos na ibalik sila. 24 Kung pinutol ng Diyos ang sanga ng ligaw na olive tree at kinabit sa original na olive tree kahit hindi yun natural na sanga, lalong mas kayang ikabit ulit ng Diyos ang mga original na sanga na pinutol nya sa olive tree.
Ang Awa ng Diyos para sa Lahat
25 Mga kapatid, gusto kong maintindihan nyo ang mystery na to para wag kayong magyabang. Temporary lang ang pagiging matigas ng ulo ng Israel, hanggang sa makumpleto ang mga Gentiles na lalapit sa Diyos. 26 Kaya ganito maliligtas ang buong Israel, gaya ng nakasulat,
“Manggagaling sa Zion ang Savior.
Aalisin nya lahat ng kasamaan sa lahi ni Jacob.
27 Ito ang pangako ko sa kanila
pag inalis ko na ang mga kasalanan nila.”
28 Dahil sa pag-reject nila sa gospel, tinuring ang Israel na kaaway ng Diyos, at pabor ito para sa inyong mga Gentiles. Pero sila pa rin ang bayang pinili ng Diyos, at mahal sila ng Diyos dahil sa mga ancestors nila. 29 Hindi kasi nagbabago ang isip ng Diyos kung sino ang pipiliin nya at ibe-bless nya. 30 Kayong mga Gentiles, hindi kayo sumusunod sa Diyos dati. Pero ngayon, tinanggap nyo na ang awa ng Diyos kasi hindi sumunod ang mga Jews. 31 At dahil sa awa ng Diyos na binigay sa inyo, ngayon ang mga Jews ay hindi sumusunod sa Diyos, para makatanggap din sila ng awa. 32 Hinayaan ng Diyos na maging makasalanan ang lahat ng tao para mapakita nya ang awa nya sa lahat.
Purihin ang Diyos
33 Napakayaman ng Diyos, napakatalino nya, at napakagaling. Sino ang kayang magpaliwanag ng mga desisyon nya? Sino ang makakaintindi ng mga plano nya? Sinabi sa scripture,
34 “Meron bang nakakaalam ng iniisip ng Panginoon?
Meron bang kayang magbigay sa kanya ng advice?
35 Meron na bang nakapagbigay sa kanya ng kahit ano,
na kailangan nya tong bayaran?”
36 Ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay, nabubuhay ang lahat dahil sa kanya, at para sa kanya ang lahat. Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen.