ROMANS
Chapter 7
Ang Halimbawa ng Kasal
1 Mga kapatid, siguradong maiintindihan nyo ang sasabihin ko kasi alam nyo ang tungkol sa batas. May bisa lang ang batas sa isang tao habang buháy pa sya. 2 Halimbawa, ang isang babaeng kinasal, nakatali sya sa asawa nya hanggang buháy pa ito. Pag namatay na ang mister nya, malaya na ang babae sa batas na nagtatali sa kanya sa asawa nya. 3 Kaya pag sumama sya sa ibang lalaki habang buháy pa ang mister nya, nagkakasala sya ng pangangaliwa. Pero pag namatay na ang mister nya, malaya na sya. Hindi na ituturing na pangangaliwa kung magpakasal sya sa ibang lalaki. 4 Ganito din sa inyo, mga kapatid. Ayon sa Law, parang namatay na din kayo kasi mga parte kayo ng katawan ni Christ. Ngayon naging parte din kayo ng muling pagkabuhay nya para maging productive kayo sa pagse-serve sa Diyos. 5 Nung namumuhay pa tayo gaya ng ordinaryong tao, malakas ang pagnanasa ng katawan natin na gumawa ng masama dahil sa Law, at kamatayan ang resulta nun. 6 Pero ngayon, malaya na tayo sa Law kasi namatay na tayo dun sa nagkukulong sa atin. Hindi na tayo nagse-serve sa dating gawi, ayon sa batas na nakasulat. Pero yung bagong paraan na ng Holy Spirit ang sinusunod natin.
Batas at Kasalanan
7 Pwede ba nating sabihin na ang Law mismo ang ugat ng kasalanan? Syempre, hindi! Pero ang Law ang nagsabi sa akin kung ano ang kasalanan. Kung hindi sinabi ng Law na, “Wag mong pag-interesan ang hindi sayo,” hindi ko malalaman na may ganun palang pagnanasa. 8 Dahil sa utos na to, nagkaroon ng chance ang kasalanan para buhayin sa akin lahat ng klase ng pagnanasa. Kung walang batas, wala ding kasalanan. 9 Dati rin akong namuhay na malayo sa batas. Pero nung nagkaroon ng utos, nabuhay ang kasalanan 10 at namatay ako. Yung utos na dapat magbigay ng buhay sa akin, yun pa ang pumatay sa akin. 11 Nakahanap ng chance ang kasalanan sa utos na to para lokohin at patayin ako.
12 Kaya nga, banal ang Law, at ang bawat utos nito ay banal, matuwid, at mabuti. 13 Pero, ibig sabihin ba nito na ang isang bagay na mabuti ang dahilan ng kamatayan ko? Syempre, hindi! Kasalanan ang pumatay sa akin at ginamit nito ang mabuting bagay. Nangyari ito para makita ang totoong nature ng kasalanan. Kaya, sa tulong ng utos, naipakita na talagang napakasama ng kasalanan.
Ang Struggle Natin
14 Alam nating spiritual ang Law, pero tao lang ako at binenta para maging alipin ng kasalanan. 15 Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko ginagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. Pero yung mga ayaw ko, yun ang ginagawa ko. 16 Kung yung ayaw ko ang ginagawa ko, sinasabi kong tama ang Law. 17 So, hindi talaga ako ang gumagawa nito, pero yung kasalanan na nasa akin. 18 Alam kong walang mabuti sa akin, ibig kong sabihin, sa natural kong pagkatao. Kasi kahit gusto kong gawin ang tama, hindi ko yun magawa. 19 Hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, pero yung masama na ayaw ko, yun ang ginagawa ko. 20 Kung ginagawa ko yung ayaw ko, ibig sabihin, hindi na ako ang gumagawa nun, kundi yung kasalanan na nasa akin.
21 Kaya naintindihan ko na kung paano gumagana ang batas. Pag gusto kong gumawa ng tama, nandyan lagi ang masama para pigilan ako. Kaya sa huli, yung masama ang ginagawa ko. 22 Gustung-gusto ko ang batas ng Diyos, 23 pero may iba pang batas na gumagana sa katawan ko, ito yung batas na lumalaban sa gusto ng isip ko. Under ako sa kontrol ng kasalanan na gumagana sa katawan ko. 24 Haay, kawawa naman ako! Mismong katawan ko ang pumapatay sa akin! Sino ang magliligtas sa akin? 25 Salamat sa Diyos, gagawin nya ito sa tulong ng Panginoon nating si Jesus Christ!
Ito ang sitwasyon ko ngayon. Kaya kong mag-serve sa batas ng Diyos sa isip lang, pero sine-serve ng natural kong pagkatao ang batas ng kasalanan.