ROMANS
Chapter 15
Tulungan ang Mahihina sa Pananalig
1 Tayong may malakas na pananalig, tulungan natin ang mga kapatid nating mahina ang pananalig, instead na sarili lang ang iniintindi natin. 2 Isipin natin kung ano ang makakabuti sa kapwa natin at kung ano ang magpapasaya sa kanila, para lumakas ang faith nila. 3 Kasi kahit si Christ, hindi lang sarili ang inisip nya. Pero sabi sa scripture, “Bumagsak sa akin ang mga insultong patama sa inyo.” 4 Nasulat ang lahat ng nasa Scriptures para turuan tayo, para magkaroon tayo ng pag-asa sa tulong ng Scriptures na nagbibigay sa atin ng tibay at lakas ng loob. 5 Pinagpe-pray ko sa Diyos na nagbibigay ng tibay at lakas ng loob na tulungan kayong mamuhay nang mapayapa at maayos ang relasyon sa isat-isa, bilang pagsunod nyo kay Christ Jesus. 6 Dahil dito, magkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Tatay ng Panginoon nating si Jesus Christ.
Ang Magandang Balita para sa mga Gentiles
7 Tanggapin nyo ang isat-isa gaya ng pagtanggap sa inyo ni Christ, para mabigyan nyo ng papuri ang Diyos. 8 Sinasabi ko sa inyo na dumating si Christ bilang servant ng mga Jews, para ipakita na tapat ang Diyos at tumutupad sya sa mga pangako nya sa mga ancestors nila, 9 at para magpuri ang mga Gentiles sa Diyos dahil naawa sya sa kanila. Gaya ng nakasulat sa scripture,
“Pupurihin kita sa gitna ng mga Gentiles,
kakanta ako ng mga papuri sayo.”
10 At sinasabi uli sa scripture,
“Magsaya kayong mga Gentiles, magsaya kayo kasama ang bayan ng Diyos!”
11 Nakasulat pa,
“Purihin ang Panginoon, kayong lahat na mga Gentiles,
magpuri sa kanya ang lahat ng mga tao!”
12 At sinabi pa ni Isaiah,
“May ipapanganak galing sa lahi ni Jesse,
magiging leader sya ng mga Gentiles,
at sya ang magiging pag-asa nila.”
13 Pinagpe-pray ko sa Diyos, ang source ng pag-asa, na sana talagang maging masaya kayo at panatag dahil naniniwala kayo sa kanya, para mas lalong lumakas ang pag-asa nyo sa tulong ng kapangyarihan ng Holy Spirit.
Bakit Matapang Magsulat si Paul
14 Mga kapatid, sure ako na talagang mabuti kayo at matalino, at kaya nyong turuan ang isat-isa. 15 Pero sa sulat na ito, nilakasan ko ang loob ko para i-remind kayo tungkol sa ilang bagay. Ginawa ko ito dahil sa sobrang kabaitan ng Diyos sa akin. 16 Pinili nya ako para maging servant ni Christ Jesus sa mga Gentiles. Ginagawa ko ang tungkulin ng isang priest na mag-preach ng Magandang Balita ng Diyos para maging banal at katanggap-tanggap na offering ang mga Gentiles sa tulong ng Holy Spirit. 17 Dahil nakipag-isa ako kay Christ Jesus, may dahilan ako para maging proud sa paglilingkod ko sa Diyos. 18 Ang ipagmamalaki ko lang ay kung paano ako ginamit ni Christ para i-lead ang mga Gentiles na sundin ang Diyos. Nagawa to ni Christ gamit ang salita at gawa, 19 sa kapangyarihan ng mga himala at nakakabilib na bagay, at sa tulong ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. At dahil dito, totally na-preach ko ang Magandang Balita tungkol kay Christ sa pagbyahe ko mula Jerusalem hanggang Illyricum. 20 Ang goal ko ay i-preach ang Magandang Balita sa mga lugar na hindi pa kilala si Christ para hindi ako magtayo sa pundasyon na nilagay ng iba. 21 Gaya ng sinasabi sa scripture,
“Makikita sya nung mga hindi pa nasabihan ng tungkol sa kanya,
at maiintindihan sya nung mga hindi pa nakarinig tungkol sa kanya.
Ang Plano ni Paul na Bisitahin ang Rome
22 Iyan ang dahilan kaya hindi matuloy-tuloy ang pagbisita ko sa inyo. 23 Pero ngayong natapos ko na ang trabaho ko sa mga lugar dito, at dahil matagal ko na kayong gustong puntahan, 24 sana magawa ko ito ngayon. Plano kong dumaan sa inyo sa byahe ko papunta sa Spain, at sana matulungan nyo ako sa pagpunta ko dun, pagkatapos ng masaya kong pagbisita sa inyo nang sandali. 25 Pero ngayon, pupunta muna ako sa Jerusalem para mag-serve sa mga Christians dun, 26 kasi masayang nagbigay ng tulong ang mga churches sa Macedonia at Achaia para sa mahihirap na Christians sa Jerusalem. 27 Masaya sila na gawin ito. Actually, dapat talaga silang tumulong, kasi naki-share ang mga Gentiles sa spiritual blessings ng mga Jews, kaya dapat ding mag-share ng material blessings ang mga Gentiles para tulungan ang mga Jews. 28 Pag natapos ko na ito at naibigay ang lahat ng mga tulong na kinolekta para sa kanila, dadaan ako sa inyo bago ako tumuloy sa Spain. 29 Alam kong pag nakarating ako sa inyo, dadating akong dala ang umaapaw na blessing ni Christ.
30 Mga kapatid, gusto kong makiusap sa inyo na sa tulong ng Panginoon nating si Jesus Christ at sa pagmamahal na binigay ng Espiritu, samahan nyo kong mag-pray at ipag-pray nyo rin ako. 31 Ipag-pray nyo na iligtas ako ng Diyos sa mga taga-Judea na hindi naniniwala kay Christ. Ipag-pray nyo din na tanggapin ng mga nasa Jerusalem ang pagse-serve ko sa kanila. 32 Sana payagan ako ng Diyos na makapunta sa inyo at magkaroon ako ng masaya at nakaka-relax na time kasama nyo. 33 Sana samahan kayo ng Diyos na nagbibigay ng kapayapaan sa lahat. Amen.