ROMANS
Chapter 2
Ang Hatol ng Diyos
1 Kapatid, kung jina-judge mo yung iba tapos ginagawa mo rin yung mga bagay na ginagawa nila, jinudge mo na rin ang sarili mo. Guilty ka at wala kang excuse kahit sino ka pa. 2 Alam nating tama ang Diyos kapag jina-judge nya ang mga taong gumagawa ng ganun. 3 Pero ikaw kapatid, pag jina-judge mo yung iba tapos ginagawa mo rin naman yung mga bagay na yun, palagay mo ba makakalusot ka sa judgment ng Diyos? 4 O baka naman binabalewala nyo ang Diyos kasi sobra syang mabait, matiisin, at mapagpasensya sa inyo? Hindi nyo ba alam na kaya sobrang bait ng Diyos sa inyo, kasi gusto nyang magsisi kayo sa kasalanan nyo? 5 Pero nagmamatigas kayo, ayaw nyong magsisi. Lalo nyong pinapabigat ang parusang ibibigay ng Diyos sa inyo sa Araw na ipapakita nya ang matinding galit nya at ang matuwid nyang paghatol. 6 Kasi ibibigay sa atin ng Diyos ang deserve natin ayon sa mga ginawa natin. 7 May mga taong patuloy na gumagawa ng mabuti, marangal na buhay ang hanap nila, at yung buhay na walang katapusan. Sila yung bibigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan. 8 Meron namang mga tao na sarili lang ang iniisip at niri-reject nila kung ano ang tama para sundin ang mali. Ibubuhos ng Diyos sa kanila ang matinding galit at lupit nya. 9 Para sa mga gumagawa ng masama, may katapat yung pagdurusa at grabeng hirap, una para sa mga Jews, tapos sa mga Gentiles din. 10 Pero paparangalan ang lahat ng gumagawa ng mabuti, pupurihin sila, at bibigyan ng kapayapaan, una ang mga Jews, tapos ang mga Gentiles din. 11 Kasi, patas ang pag-judge ng Diyos sa lahat.
12 Yung mga Gentiles na hindi sakop ng Law ni Moses, paparusahan sila ayon sa mga mali nilang ginawa at hindi ayon sa Law. Yung mga Jews na sakop ng Law pero nagkasala, paparusahan sila ayon sa Law. 13 Kasi, nagiging acceptable ang tao sa harap ng Diyos, hindi dahil sa narinig nya ang Law, kundi dahil sinusunod nya yun. 14 Wala sa Gentiles ang Law, pero kapag kusa nilang ginagawa ang inuutos nito, ito na rin ang batas nila kahit na wala sa kanila ang Law. 15 Pinapakita nito na nakasulat sa mga puso nila ang mga utos ng Law. Pinu-prove din ng konsensya nila na totoo ito, kasi minsan sinasabi ng isip nila na mali sila, minsan naman pinagtatanggol sila nito. 16 Kaya nga, ayon sa Magandang Balita na pini-preach ko, ganito ang mangyayari sa Araw na ija-judge ng Diyos ang mga sikreto ng lahat ng tao, at si Jesus Christ ang magiging judge.
Ang mga Jews at ang Law
17 Ikaw naman, sinasabi mong isa kang Jew, nakadepende ka sa Law, at pinagmamalaki mo na malapit ka sa Diyos. 18 Alam mo kung ano ang gusto ng Diyos na gawin mo, at alam mo kung ano ang dapat mong gawin kasi natutunan mo yan sa Law. 19 Sinasabi mong inaakay mo ang bulag, at ilaw ka para sa mga nasa dilim, 20 tinuturuan mo ang walang alam, at teacher ka ng mga bata. Sigurado kang alam mo ang buong katotohanan kasi nasa iyo ang Law. 21 Tinuturuan mo ang iba, pero bakit di mo turuan ang sarili mo? Pini-preach mo na, “Wag kang magnanakaw,” pero bakit ka nagnanakaw? 22 Sinasabi mong, “Wag kang mangangaliwa,” pero bakit ka nangangaliwa? Ayaw na ayaw mo sa mga diyos-diyosan, pero bakit mo ninanakawan ang mga temple? 23 Pinagyayabang mo na sakop ka ng batas ng Diyos, pero bakit mo binibigyan ng kahihiyan ang Diyos sa di mo pagsunod sa batas nya? 24 Sabi sa scripture, “Nilalait ng mga Gentiles ang pangalan ng Diyos dahil sa inyo, kayong mga Jews.”
25 Kung sinusunod mo ang Law, may silbi yang pagiging circumcised mo, pero kung hindi mo sinusunod ang Law, mabuti pang di ka na lang na-circumcise. 26 Kung may isang taong hindi na-circumcise pero sumusunod naman sa Law, hindi ba iko-consider sya ng Diyos na na-circumcise din? 27 Kaya kayong mga Jews na hindi sumusunod sa Law, kahit sakop kayo nito at na-circumcise pa kayo, huhusgahan kayo ng mga Gentiles na kahit hindi na-circumcise ay sumusunod naman sa Law. 28 Well, sino nga ba ang totoong Jew at ang totoong circumcised? Hindi nakikita sa panlabas ang pagiging Jew, at hindi rin ayon sa pisikal ang pagiging circumcised. 29 Ang totoong Jew ay yung Jew sa loob, at ang totoong circumcision ay nangyayari sa puso, gawa ito ng Holy Spirit, at hindi dahil sa Law. Nakakatanggap ang taong ito ng papuri galing sa Diyos, at hindi galing sa mga tao.