Introduction
Sinulat ang letter na ito sa mga Romans para ihanda sila sa planong pagbisita ni Paul sa church sa Rome. Plano nyang mag-serve nang sandali sa mga Christians dun, tapos, pupunta sya sa Spain sa tulong nila. Sumulat si Paul sa mga Romans para i-explain sa kanila ang Christian faith at kung paano ito praktikal na i-aapply sa buhay ng mga Christians. Mababasa sa sulat na ito ang buong mensahe ni Paul.
Pagkatapos kumustahin ni Paul ang mga members ng church sa Rome at sabihin sa kanila ang mga prayers nya para sa kanila, binanggit nya ang pinaka-theme ng sulat nya: “Pinapakita kasi ng Magandang Balita kung paano tinatanggap ng Diyos ang tao dahil sa faith nila, at wala nang ibang paraan pa” (1:17).
Pagkasabi nito, pinaliwanag na nya ang mensahe nya. Lahat ng tao, Jews man o Gentiles, kailangang maging matuwid sa harap ng Diyos, kasi lahat ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. Nagiging matuwid ang tao sa harap ng Diyos dahil sa faith nila kay Jesus Christ. Pagkatapos nito, inexplain ni Paul ang bagong buhay na meron sa pakikipag-isa kay Christ. Nangyayari ito kapag merong bagong relasyon ang tao sa Diyos. Ang isang taong may faith kay Christ ay nakipagkaisa na sa Diyos at pinalaya na ng Holy Spirit mula sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan. Sa chapters 5–8, pinaliwanag ni Paul ang purpose ng Law ng Diyos at ang kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos sa buhay ng isang may faith kay Christ. After nun, sinagot ni Paul ang tanong kung paano magkasama ang Jews at ang mga Gentiles sa kabuuang plano ng Diyos para sa lahat ng mga tao. Dahil sa pag-reject ng mga Jews kay Jesus, nakaabot sa lahat ng tao, pati sa mga hindi Jew, ang sobrang kabaitan ni Jesus Christ. Sa huli, sinulat ni Paul kung paano dapat isasabuhay ang pagiging Christian lalo na yung pagmamahal at maayos na pakikitungo sa kapwa. Diniscuss nya ang mga issues ng pagse-serve sa Diyos at ang tungkulin ng mga Christians sa gobyerno at sa isat-isa. Tinapos nya ang sulat sa mga personal na pagbati, personal na mensahe para sa mga kapatid sa Rome, at pagpupuri sa Diyos.
Outline
Outline
- Introduction (1:1-17)
- Kailangan ng lahat ng tao ang kaligtasan (1:18–3:20)
- Ang paraan ng Diyos para maligtas ang tao (3:21–4:25)
- Ang bagong buhay kay Christ (5:1–8:39)
- Ang Israel sa plano ng Diyos (9:1–11:36)
- Paano dapat makitungo ang isang Christian (12:1–15:13)
- Conclusion at mga personal na pagbati (15:14–16:27)