ROMANS
Chapter 13
Mga Tungkulin sa Gobyerno
1 Dapat sumunod ang bawat tao sa mga leader ng gobyerno, dahil ang authority na mamuno ay galing sa Diyos, at sya rin ang naglagay ng bawat may katungkulan sa gobyerno. 2 Kung sinuman ang lumalaban sa gobyerno, nilalabanan din nya ang inappoint ng Diyos. Paparusahan ng Diyos ang mga gumagawa nito. 3 Hindi dapat matakot sa mga leaders ang mga gumagawa ng mabuti, kundi yung mga gumagawa ng masama. Gusto mo bang wag nang matakot sa mga leaders? Gawin mo ang tama, at pupurihin ka nila, 4 kasi mga nagse-serve sila sa Diyos, at tungkulin nila na tulungan ka. Pero kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot, kasi may kapangyarihan silang magparusa. Nagse-serve sila sa Diyos at may karapatan silang parusahan ang mga gumagawa ng masama. 5 Kaya dapat sundin nyo ang mga leaders hindi lang para iwasan ang parusa ng Diyos kundi dahil alam nyo na ito ang tamang gawin.
6 Ito rin ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng tax, kasi nagse-serve sa Diyos ang mga leaders ng gobyerno pag ginagawa nila ang tungkulin nila. 7 Kaya ibigay nyo ang lahat ng dapat nyong ibigay sa kanila, mga tax at iba pang kailangang bayaran. Respetuhin nyo sila at igalang silang lahat.
Mga Tungkulin sa Isat-Isa
8 Wag kayong magkaroon ng obligasyon sa kahit sino, except ang mahalin ang isat-isa. Kasi kung minamahal nyo ang kapwa nyo, natupad nyo na ang Law. 9 Yung mga utos na, “Wag kang mangangaliwa, wag kang papatay, wag kang magnanakaw, wag mong pag-interesan ang hindi sayo,” at ang iba pang utos, ay pwedeng i-summarize sa isang utos, “Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa sarili.” 10 Kung mahal mo ang kapwa mo, hindi mo sila gagawan ng masama. Kaya pag nagmahal ka, sinunod mo ang buong Law.
11 Gawin nyo to, kasi alam nyong dumating na ang oras para gumising kayo. Mas malapit na kasi ngayon sa atin ang kaligtasan kesa nung una tayong nakakilala sa Panginoon. 12 Matatapos na ang gabi, paparating na ang umaga. Tigilan na natin ang mga masasamang gawain. Maghanda na tayo sa paggawa ng mabuti. 13 Kumilos tayo nang maayos, gaya ng mga kinikilos ng mga tao na nasa liwanag. Wag tayong pumunta sa mga wild na party o kaya naman ay maglasing. Wag tayong gumawa ng mga bagay na mahalay o malaswa, at wag makipag-away o mainggit. 14 Instead, gawin nyong si Jesus Christ ang pangdepensa nyo. Wag nyong pagbigyan ang laman para lang masunod ang gusto nito.