Ang Paglilingkod sa Diyos
1 Mga kapatid, napakabuti ng Diyos, kaya nakikiusap ako, i-offer nyo ang mga sarili nyo na isang buháy na sacrifice, banal, at acceptable sa Diyos. Ganun ang tunay na worship. 2 Wag kayong gumaya sa mundong ito. Hayaan nyong baguhin ng Diyos ang takbo ng isip nyo, para malaman nyo kung ano ang gusto nya—yung mabuti, nagpapasaya sa kanya, at perfect.
3 Dahil sa sobrang kabaitan ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo na wag nyong isipin na ang galing-galing nyo, instead, magpakatotoo kayo. Tingnan nyo ang mga sarili nyo ayon sa sukat ng faith na binigay sa inyo ng Diyos. 4 Maraming parte ang isang katawan at iba-iba ang gamit ng bawat isa. 5 Ganito din tayo. Kahit marami tayo, mga parte tayo ng iisang katawan ni Christ. Connected tayo sa isat-isa bilang mga part ng iisang katawan. 6 Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng ibat-ibang gifts para gamitin. Kung pagpi-preach ang gift natin, gawin natin to ayon sa faith na meron tayo. 7 Kung pagse-serve ang gift natin, mag-serve tayo. Kung pagtuturo naman, magturo tayo. 8 Kung gift naman ng pag-eencourage, gawin natin to. Kung merong gift ng pagbibigay ang isang tao, magbigay sya nang buong puso. Kung pagiging leader naman ang gift nya, pagbutihin nya to. Kung gift naman ng pagtulong sa iba, gawin nya ito nang masaya.
9 Sincere dapat ang pagmamahal nyo. Magalit kayo sa masama, mahalin nyo kung ano ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang mga magkakapatid. Sikapin nyong irespeto ang isat-isa. 11 Magsipag kayo at wag maging tamad. Mag-serve kayo sa Panginoon nang buong puso. 12 Maging masaya kayo dahil sa pag-asa na meron kayo. Magtyaga kayo sa panahon ng paghihirap, at lagi kayong mag-pray. 13 I-share nyo kung anong meron kayo sa mga Christians na nangangailangan ng tulong, at patuluyin nyo sa bahay nyo kahit ang mga dayo.
14 Ipag-pray nyo ang mga taong nagpapahirap sa inyo. I-bless nyo sila at wag sumpain. 15 Makisaya kayo sa mga nagsasaya, at makiramay kayo sa mga umiiyak. 16 Maging concerned kayo sa isat-isa. Wag kayong magyabang, tanggapin nyo kahit ang mga simpleng gawain. Wag nyong isipin na ang galing-galing nyo.
17 Kahit ginawan kayo ng masama, wag nyong gantihan. Gawin nyo kung ano ang mabuti sa tingin ng lahat. 18 Hanggat kaya nyo, pakisamahan nyo ang lahat ng tao. 19 Mga mahal kong kaibigan, wag kayong gumanti. Hayaan nyong ang Diyos ang gumanti, kasi sinasabi sa scripture, “Ako ang maghihiganti, pagbabayarin ko ang gumawa ng mali, sabi ng Panginoon.” 20 Sinasabi din sa scripture, “Pag nagugutom ang mga kaaway mo, pakainin mo sila. Kung nauuhaw sila, painumin mo. Pag ginawa mo to, mahihiya sila sa mga sarili nila. 21 Wag kayong magpatalo sa masama, instead gumawa kayo ng mabuti para matalo nyo ang masama.