Mga Personal na Greetings
1 Pinapakilala ko sa inyo si Phoebe, kapatid natin sya, okay sya at nagse-serve sya sa church sa Cenchreae. 2 I-welcome nyo sya sa Panginoon, kung paano wine-welcome ang isang Christian. Tulungan nyo sya sa abot ng makakaya nyo, kasi marami syang natulungan, at isa na ako dun.
3 Pakisabi hello kina Priscilla at Aquila, mga kasama ko sila sa pagse-serve kay Christ Jesus. 4 Nilagay nila sa panganib ang buhay nila para sa akin. Nagpapasalamat ako sa kanila, pati na rin ang lahat ng mga churches ng mga Gentiles. 5 Pakisabi rin hello sa church na nagga-gather sa bahay nila.
6 Ikumusta nyo ako kay Mary, nag-serve syang mabuti para sa inyo. 7 Ikumusta nyo din ako kina Andronicus at Junia, mga kapwa ko Jews na nakasama ko sa kulungan. Kilala sila na mga apostles, at nauna silang naging Christian kesa sa akin.
8 Kumusta rin kay Ampliatus, ang mahal kong kaibigan at kapwa ko Christian. 9 Hello kay Urbanus, kapwa nating worker kay Christ, at kay Stachys, ang mahal kong kaibigan. 10 Ikumusta nyo din ako kay Apelles, napatunayang tapat sya kay Christ. Kumusta rin sa pamilya ni Aristobulus. 11 Binabati ko rin ang kamag-anak kong si Herodion, at ang mga Christians sa pamilya ni Narcissus.
12 Hello kina Tryphaena at Tryphosa na mga servant ng Panginoon. Hello sa mahal kong kaibigan na si Persis, marami syang nagawa para sa gawain ng Panginoon. 13 Binabati ko si Rufus, isa syang mahusay na servant ng Panginoon, pati na rin ang nanay nya na parang nanay ko na rin. 14 Binabati ko rin si Asyncritus, Phlegon, Hermes, Patrobas, Hermas, at ang lahat ng mga Christians na kasama nila. 15 Paki-greet sina Philologus, Julia, si Nereus at ang kapatid nyang babae, at si Olympas, at ang lahat ng mga pinili ng Diyos na kasama nila.
16* I-greet nyo ang isat-isa nang may pagmamahal. Kinukumusta kayo ng lahat ng churches ni Christ.
Mga Huling Instructions
17 Mga kapatid, please, mag-ingat kayo sa mga taong nagdadala ng gulo at nagdi-divide sa church at kumokontra sa mga teachings na tinanggap nyo. Layuan nyo sila. 18 Kasi hindi ang Panginoon nating si Christ ang pinagsisilbihan ng mga gumagawa nun, kundi ang mga sarili nila. Kunyari ang gagaling nilang magsalita, naloloko tuloy nila ang mga inosenteng tao. 19 Alam ng lahat kung paano nyo sinusunod ang Panginoon, at dahil dito masaya ako. Gusto ko na maintindihan nyo kung ano ang mabuti, at maging inosente kayo sa paggawa ng masama. [\v 20 Ang Diyos ang nagbibigay ng kapayapaan, at malapit na nyang pasukuin si Satan sa inyo. Maranasan nyo sana ang sobrang kabaitan ng Panginoon nating si Jesus Christ.]
21 Kinukumusta kayo ni Timothy, kasama ko sya sa trabaho. Si Lucius din at sina Jason at Sosipater na mga kamag-anak ko.
22 Ako si Tertius, at ako ang tagasulat ng letter na ito. Hello sa inyo. Pagpalain kayo ni Lord.
23 Kinukumusta din kayo ni Gaius. Dito kami nag-iistay sa bahay nya, at dito rin nagga-gather ang buong church. Hello din daw sabi ni Erastus, ang city treasurer, at ni Quartus na kaibigan natin. [\v 24 Pagpalain kayong lahat ng Panginoon nating si Jesus Christ. Amen.]
Ang Closing Prayer ni Paul
26 Pero ngayon, na-reveal na ito. At dahil sa mga sinulat ng mga prophets at sa utos ng walang hanggang Diyos, naipaalam to sa lahat ng mga bansa para maniwala at sumunod ang lahat.
27 Dahil kay Jesus Christ, purihin natin ang iisang Diyos na pinakamatalino sa lahat, purihin natin sya magpakailanman! Amen.]
Footnotes
16:16
+ pagmamahal: Sa Greek, banal na halik.