ROMANS
Chapter 14
Wag I-judge ang Iba
1 Tanggapin nyo ang mahina sa faith nila, pero wag kayong makipag-debate sa kanila tungkol sa mga personal na opinyon. 2 Yung iba, okay lang sa kanilang kumain ng kahit ano, pero yung mga mahina ang faith, gulay lang ang kinakain. 3 Yung mga kumakain ng kahit ano, wag nyong tingnan na mas mababa yung mga kumakain lang ng gulay. Wag din namang i-judge ng mga kumakain ng gulay yung mga kumakain ng kahit ano, kasi pareho silang tinanggap ng Diyos. 4 Sino ka para i-judge ang tauhan ng iba? Yung amo lang nila ang magsasabi kung okay sila o hindi. Magtatagumpay sila kasi tutulungan sila ng Panginoon.
5 Iniisip ng ibang tao na mas importante ang isang araw kesa sa ibang araw. Sa iba naman, pare-pareho ang lahat ng araw. Kailangan nating mag-decide talaga. 6 Yung mga nagpapahalaga sa isang araw, ginagawa nila yun para i-honor ang Panginoon. Yung mga kumakain naman ng kahit ano, ginagawa din nila yun para i-honor ang Panginoon at nagpapasalamat sila sa Diyos. Yung mga umiiwas na kumain ng ibang pagkain, ginagawa nila yun para i-honor ang Panginoon at nagpapasalamat din sila sa Diyos. 7 Hindi tayo nabubuhay para sa sarili lang, at hindi rin tayo namamatay para sa sarili lang. 8 Kung nabubuhay tayo, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung mamatay man tayo, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya, mabuhay man o mamatay tayo, pagmamay-ari tayo ng Panginoon. 9 Dahil dito, namatay si Christ at nabuhay muli para maging Panginoon ng mga patay at ng mga buhay. 10 Kung gulay lang ang kinakain mo, bakit mo jina-judge ang iba? Kung kumakain ka naman ng kahit ano, bakit mo minamaliit ang ibang Christians? Lahat tayo ay tatayo sa harap ng Diyos para i-judge nya. 11 Nakasulat sa scripture,
“Dahil buháy ako, sabi ng Panginoon,
luluhod sa harap ko ang lahat,
at pupurihin ng lahat ng tao ang Diyos.”
12 Kaya nga, mananagot sa Diyos ang bawat isa sa atin.
Wag Kang Maging Dahilan para Magkasala ang Iba
13 Kaya, wag na nating i-judge ang isat-isa, instead, mag-decide na tayo na wag gumawa ng bagay na magiging dahilan para madapa o magkasala ang iba. 14 Dahil sa pakikipag-isa ko sa Panginoong Jesus, alam ko at sigurado ako na walang pagkain na natural na marumi. Pero kung iniisip nyong marumi ang ibang pagkain, nagiging marumi nga yun para sa inyo. 15 Kung nasasaktan ang kapatid mo dahil sa kinakain mo, hindi ka na nagpapakita ng pagmamahal. Wag mong hayaang mapahamak ang isang tao dahil sa kinakain mo, kasi namatay si Christ para sa kanya. 16 Kaya wag mong hayaang sabihing masama yung bagay na sa tingin mo ay mabuti. 17 Kasi ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain at inumin. Tungkol ito sa tama, payapa, at masayang pamumuhay na nanggagaling sa Holy Spirit. 18 Kung ganito ka mag-serve kay Christ, napapasaya mo ang Diyos at nirerespeto ka ng ibang tao.
19 Mag-effort tayong gawin ang mga bagay na nagbibigay ng kapayapaan at nakaka-encourage sa isat-isa. 20 Wag mong hayaan na masira ang ginawa ng Diyos dahil sa paniniwala mo tungkol sa pagkain. Pwedeng kainin ang lahat ng pagkain, pero maling kumain ng kahit ano kung yun ang magiging dahilan para magkasala ang iba. 21 Mabuting wag nang kumain ng karne, uminom ng alak, o gumawa ng kahit anong bagay na magiging dahilan para magkasala ang kapatid mo sa Panginoon. 22 Ikaw at ang Diyos lang ang dapat makaalam ng paniniwala mo tungkol sa bagay na ito. Blessed ang taong hindi nagi-guilty sa mga bagay na ginagawa nya na alam nyang tama. 23 Pero kung nagdududa ang isang tao sa kinakain nya, nagkakasala sya, kasi hindi ayon sa paniniwala nya ang ginagawa nya. Kung labag sa sariling paniniwala ang ginagawa ng isang tao, kasalanan yun.