ROMANS
Chapter 3
1 May advantage ba ang mga Jews sa mga Gentiles? May halaga ba ang pagiging circumcised? 2 Oo naman, marami! Una sa lahat, sa mga Jews pinagkatiwala ng Diyos ang mensahe nya. 3 Pero paano kung hindi faithful ang ilan sa kanila? Ibig sabihin ba nun hindi na rin faithful ang Diyos? 4 Syempre, hindi! Tapat ang Diyos at laging nagsasabi ng totoo kahit sinungaling ang lahat ng tao. Sabi sa scripture,
“Pag ikaw ang nagsalita, siguradong tama ka,
at pag hinarap ka sa korte, ikaw ang laging panalo.”
5 Pero paano kung mas malinaw na naipapakita na tama ang Diyos dahil sa mga mali nating ginagawa? Masasabi ba nating mali ang Diyos pag pinaparusahan nya tayo? Ganyan mag-isip ang mga tao. 6 Pero syempre, hindi! Kung hindi makatarungan ang Diyos, paano nya ija-judge ang mundo?
7 Pero what if dahil sa pagsisinungaling ko kaya mas nagiging malinaw ang pagiging totoo ng Diyos at mas napaparangalan sya? Bakit pa ako hahatulan na makasalanan? 8 Sasabihin pa ng iba, “E bakit di na lang tayo gumawa ng masama para lumabas ang mabuti?” At yan daw ang tinuturo namin sabi ng mga naninira sa amin. Dapat lang talagang parusahan sila ng Diyos!
Walang Kahit Isang Matuwid
9 Kung ganun, mas mabuti ba ang kalagayan nating mga Jews kesa sa mga Gentiles? Hinding-hindi! Pinakita ko na na parehong under ng kapangyarihan ng kasalanan ang mga Jews at mga Gentiles. 10 Sabi nga sa Scriptures,
“Walang kahit isang matuwid,
11 walang kahit isang marunong,
walang kahit isang sumasamba sa Diyos.
12 Lumihis silang lahat at nagpakasama.
Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.
13 Nakakamatay ang mga salita nila,
puro kasinungalingan ang laman ng bibig nila,
at mga delikadong banta, na parang kamandag ng ahas, ang lumalabas sa labi nila.
14 Puro pagmumura ang sinasabi nila.
15 Mabilis silang manakit at pumatay,
16 nasisira at nawawasak lahat ng dinadaanan nila.
17 Hindi nila alam ang daan ng kapayapaan,
18 hindi sila marunong matakot sa Diyos.”
19 Ngayon alam na nating lahat na ang nakasulat sa Law ay para sa mga nasa ilalim ng Law, para di na makapagdahilan ang mga tao at para managot sa Diyos ang buong mundo. 20 Hindi nagiging matuwid sa harap ng Diyos ang kahit sino dahil sa pagsunod sa Law, kasi ang ginagawa ng Law, pinapaalam lang sa atin na nagkasala tayo.
Paano Nagiging Matuwid sa Harap ng Diyos
21 Ngayon pinakita na sa atin kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang tao. Wala itong kinalaman sa batas kahit na pinatunayan to ng Law ni Moses at ng mga prophets. 22 Ginagawang matuwid ng Diyos ang lahat dahil may faith sila kay Jesus Christ. Ginagawa ito ng Diyos sa lahat ng naniniwala kay Christ, kasi pare-pareho lang naman ang mga tao. 23 Nagkasala ang lahat at walang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. 24 Pero dahil sa sobrang kabaitan ng Diyos, ginawa silang matuwid. Binigay to sa kanila ng Diyos sa tulong ni Christ Jesus na nagpapalaya sa kanila. 25 Pinadala sya ng Diyos para ipambayad ang dugo nya sa kasalanan ng mga tao. Mapapatawad lang sila pag naniwala sila sa kanya. Ginawa ito para maipakita ang pagiging matuwid ng Diyos. Dati kasi, nagpapasensya ang Diyos at pinapalampas nya ang mga kasalanan ng mga tao, 26 pero pinapatunayan nya ngayon na matuwid sya at tinuturing nyang matuwid ang mga nananalig kay Jesus.
27 Ano ngayon ang ipagyayabang natin? Wala! At bakit tayo magyayabang? Dahil ba sinusunod natin ang Law? Hindi! Pero dahil may faith tayo kay Jesus Christ. 28 Masasabi natin ngayon na nagiging matuwid lang ang isang tao sa Diyos dahil sa faith at hindi dahil sa pagsunod sa mga utos ng Law. 29 Ang Diyos ba, Diyos lang ng mga Jews? Di ba Diyos din sya ng mga Gentiles? Syempre naman, Diyos din sya ng mga Gentiles, 30 kasi iisa ang Diyos. Gagawin nyang matuwid ang mga Jews ayon sa faith nila, at gagawin nyang matuwid ang mga Gentiles dahil din sa faith nila. 31 Ibig sabihin ba nito binabalewala namin ang Law dahil sa faith? Syempre hindi, actually, mas pinapatibay pa nga namin to.