Buhay sa Espiritu
1 Kaya nga, hindi na pwedeng hatulan ngayon ang mga nakipag-isa na kay Christ Jesus. 2 Kasi ang batas ng Espiritu na nagbibigay sa atin ng buhay, dahil sa pakikiisa natin kay Christ Jesus, ang nagpalaya sa akin sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan. 3 Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Law kasi naging mahina yun dahil sa ordinaryong tao. Hinatulan nya ang kasalanan ng tao nung pinadala nya ang sarili nyang Anak sa anyo ng makasalanang tao, para alisin ang kasalanan. 4 Ginawa ito ng Diyos para magawa ang tama at mabuting niri-require ng Law, habang namumuhay tayo ayon sa Espiritu at hindi ayon sa nature ng tao. 5 Kinokontrol ng nature ng tao ang isip ng mga namumuhay ayon sa gusto ng nature ng tao. Pero kontrolado ng Espiritu ang isip ng mga namumuhay ayon sa sinasabi sa kanila ng Espiritu. 6 Pag nature ng tao ang sinusunod, kamatayan ang resulta nyan. Pero pag Espiritu, maayos at mapayapa ang buhay natin. 7 Kaya nagiging kaaway ng Diyos ang mga tao pag yung natural nilang pagkatao ang kumokontrol sa kanila. Ayaw kasi nilang sundin ang gusto ng Diyos, at ang totoo, hindi nila kayang sundin yun. 8 Hindi natutuwa ang Diyos sa mga taong sarili lang ang sinusunod.
9 Pero hindi kayo namumuhay ayon sa sinasabi sa inyo ng natural nyong pagkatao, ang sinusunod nyo ay ang Espiritu—kung nasa inyo nga ang Espiritu ng Diyos. Pag wala ang Espiritu ni Christ sa isang tao, hiwalay ang taong yun kay Christ. 10 Pero pag nasa inyo si Christ, ang Espiritu ang bumubuhay sa inyo kasi tinanggap na kayo ng Diyos, kahit pa mamamatay ang katawan nyo dahil sa kasalanan. 11 Pag nasa inyo ang Espiritu ng Diyos na bumuhay kay Jesus nung namatay sya, bubuhayin nya rin ang pisikal na katawan nyo sa tulong ng Espiritu nyang nasa inyo.
12 Kaya mga kapatid, may obligasyon tayo, pero hindi ang mamuhay ayon sa gusto ng nature ng tao. 13 Kasi kung mamumuhay kayo ayon sa nature ng tao, mamamatay kayo. Pero kung papatayin nyo ang mga masasama nyong ginagawa, sa tulong ng Espiritu, mabubuhay kayo. 14 Ang mga sumusunod sa Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. 15 Hindi kayo inaalipin ng Espiritu na binigay sa inyo ng Diyos kaya di kayo dapat matakot. Instead, naging mga anak kayo ng Diyos sa tulong at kapangyarihan ng Espiritu kaya nakakatawag tayo sa Diyos ng, “Tatay! Tatay ko!” 16 Ang Espiritu ng Diyos kasama ang espiritu natin ang nagsasabing mga anak tayo ng Diyos. 17 At dahil mga anak nya tayo, mga tagapagmana tayo kagaya ni Christ, at tatanggapin din natin ang pangako ng Diyos kay Christ. Kasi, kung naki-share tayo sa paghihirap ni Christ, makiki-share din tayo sa karangalan nya.
Ang Ating Pag-Asa
18 Para sa akin, di pwedeng i-compare ang paghihirap na nararanasan natin ngayon sa karangalan na ipapakita sa atin. 19 Excited na naghihintay ang buong creation sa oras na iri-reveal ng Diyos ang mga anak nya. 20 Pinarusahan kasi ang creation at nasira ang purpose nito, hindi dahil gusto nito, pero dahil pinayagan ito ng Diyos. Pero may pag-asa pa. 21 Dadating ang araw na papalayain ang creation kaya hindi na ito mabubulok. Magiging malaya at marangal din ito kasama ng mga anak ng Diyos. 22 Alam nating hanggang sa mga time na to, dumadaing ang buong creation sa sobrang sakit, na parang babaeng nagle-labor at malapit nang manganak. 23 Pero hindi lang ang creation ang dumadaing kundi tayo din na mga tumanggap ng Espiritu, na pinakauna sa mga binigay sa atin ng Diyos. Dumadaing din ang kalooban natin habang hinihintay natin na gawin tayong mga anak ng Diyos at palayain ang buong pagkatao natin. 24 Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Pero kung nakikita na natin ang inaasahan natin, hindi na yun pag-asa. Sino ba sa atin ang umaasa sa nakikita na? 25 Pero kung umaasa tayo sa hindi pa natin nakikita, matyaga natin yung hinihintay.
26 Ganito din tayo tinutulungan ng Espiritu, kasi mahina tayo. Hindi natin alam kung paano tayo magpe-pray kaya ang Espiritu mismo ang nagpe-pray sa Diyos para sa atin, sa mga daing na hindi kayang i-express ng mga salita ng tao. 27 Alam ng Diyos ang laman ng mga puso natin kaya alam nya rin kung anong nasa isip ng Espiritu, kasi nagpe-pray ang Espiritu para sa mga taong pinili ng Diyos, at ayon sa gusto ng Diyos ang pinagpe-pray nya.
28 Alam natin na sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos ng mabuti para sa mga nagmamahal sa kanya. Sila yung mga tinawag ng Diyos ayon sa plano nya. 29 Kilala na ng Diyos ang mga pinili nya, at binukod nya sila para maging katulad ng Anak nya, para ang Anak ang maging panganay sa maraming magkakapatid. 30 So, yung mga binukod nya ay tinawag nya, at yung mga tinawag nya ay tinanggap nya, at binigyan nya sila ng karangalan.
Ang Pag-ibig ng Diyos kay Christ Jesus
31 Ano ngayon ang masasabi natin tungkol sa mga to? Kung kakampi natin ang Diyos, sino ang laban sa atin? 32 Syempre hindi ang Diyos. Hindi nya nga pinagdamot ang sarili nyang Anak, kundi, binigay nya ito para sa ating lahat. Kung binigay nya sa atin ang sariling Anak nya, siguradong ibibigay nya rin sa atin ang lahat ng bagay. 33 Sino ngayon ang magbibintang ng masama laban sa mga taong pinili ng Diyos? Ang Diyos mismo ang nagsabing wala silang kasalanan. 34 Sino ngayon ang magpaparusa sa kanila? Hindi si Christ Jesus. Namatay sya, pero binuhay sya ulit, katabi sya ng Diyos ngayon at sya ang nasa kanan ng Diyos. Sya ang nakikiusap sa Diyos para sa atin. 35 Sino ngayon ang makakapaghiwalay sa atin sa pagmamahal ni Christ? Yung problema ba? Yung suffering o panggigipit ba, o gutom, kahirapan, panganib, o kaya kamatayan? 36 Sinasabi sa scripture,
“Dahil sa inyo, lagi kaming nasa bingit ng kamatayan,
para kaming mga tupa na kakatayin.”
37 Pero sa lahat ng bagay nagtatagumpay tayo sa tulong nya na nagmamahal sa atin! 38 Sigurado ako na walang makakapaghiwalay sa atin sa pagmamahal nya. Hindi ang kamatayan o ang buhay, hindi ang mga angels o ang mga may kapangyarihan sa langit, hindi ang ngayon o ang bukas, 39 hindi rin ang mundo sa taas o mundo sa ibaba. Walang bagay sa buong creation ang pwedeng maghiwalay sa atin sa pagmamahal ng Diyos na tinanggap natin dahil kay Christ Jesus na Panginoon natin.