Patay sa Kasalanan Pero Buháy dahil kay Jesus Christ
1 So, anong sasabihin natin ngayon? Dapat bang gumawa pa rin tayo ng kasalanan para mas ma-experience pa natin ang sobrang kabaitan ng Diyos? 2 Syempre, hindi! Namatay na tayo sa kasalanan, bakit pa tayo magpapatuloy sa ganung buhay? 3 Alam nyo naman na nung binaptize tayo para maging united kay Christ Jesus, nakasama din tayo sa kamatayan nya. 4 Kaya nga, nung binaptize tayo, namatay at nilibing tayong kasama ni Christ, para kung paano binuhay si Christ sa tulong ng kapangyarihan at kadakilaan ng Ama, ganun din tayo, magkakaroon tayo ng bagong buhay.
5 Kasi, kung kasama nya tayong namatay, siguradong kasama nya rin tayong mabubuhay ulit. 6 Alam nating namatay kasama ni Christ sa krus yung dati nating pagkatao. Nangyari yun para wasakin ang kapangyarihan ng kasalanan sa atin, at para hindi na tayo maging alipin pa ng kasalanan. 7 Kasi kung namatay na tayo, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan. 8 Since namatay tayong kasama ni Christ, naniniwala tayong mabubuhay din tayong kasama sya. 9 Alam nating binuhay ulit si Christ at hindi na sya mamamatay ulit kasi wala nang kapangyarihan ang kamatayan sa kanya. 10 Kaya nung namatay na sya, wala nang kapangyarihan ang kasalanan sa kanya. Ngayon, nabubuhay syang kasama ang Diyos. 11 Ganito din ang isipin nyo, patay na kayo sa kasalanan pero nabubuhay kayong kasama ng Diyos sa tulong ni Christ Jesus.
12 Di na dapat kasalanan ang naghahari sa katawan nyo, para hindi nyo na sundin ang masasamang desires nito. 13 Wag nyong isuko sa kasalanan ang anumang parte ng katawan nyo para gamitin ito sa kasamaan. I-present nyo ang sarili nyo sa Diyos kagaya ng mga binuhay mula sa kamatayan, at i-surrender nyo sa Diyos ang buong pagkatao nyo para gamitin sa matuwid na gawain. 14 Hindi na dapat kasalanan ang maghari sa buhay nyo kasi yung sobrang kabaitan na ng Diyos ang nakakasakop sa inyo, hindi ang batas.
Alipin ng Katuwiran
15 So, pwede na ba tayong gumawa ng kasalanan kasi, anyway, hindi na tayo sakop ng batas kundi sakop na tayo ng sobrang kabaitan ng Diyos? Syempre, hindi! 16 Alam nyong pag naging alipin kayo ng isang tao, susundin nyo ang lahat ng gusto nya. Alipin kayo ng sinumang sinusunod nyo. Dalawa lang ang choice nyo, either sundin ang kasalanan at mamatay, o sundin ang Diyos at maging acceptable sa kanya. 17 Salamat sa Diyos! Dati, mga alipin kayo ng kasalanan pero ngayon, sinusunod nyo na nang buong puso ang katotohanan galing sa mga teachings na tinanggap nyo. 18 Pinalaya na kayo sa kasalanan para maging alipin ng Diyos sa paggawa ng mabuti. 19 Simpleng mga salita lang ang ginagamit ko kasi mahina pa kayo at ito lang ang kaya nyong intindihin. Ginamit nyo dati ang katawan nyo sa paggawa ng masama at ng kasalanan, pero ngayon, gamitin nyo sa mabuti ang buong pagkatao nyo at gumawa kayo ng mga bagay na maka-Diyos.
20 Nung alipin kayo ng kasalanan, hindi nyo kailangang gawin ang gusto ng Diyos. 21 So, anong napala nyo sa mga dati nyong ginagawa na kinakahiya nyo na ngayon? Kamatayan ang bunga ng mga yun! 22 Pero ngayon, malaya na kayo sa kasalanan at mga alipin na kayo ng Diyos. Nagkaroon kayo ng buhay na para lang sa Diyos, at ang resulta nun ay buhay na walang hanggan. 23 Kasi, kamatayan ang pambayad sa kasalanan, pero libreng binibigay ng Diyos ang buhay na walang hanggan sa pakikipag-isa natin kay Christ Jesus na ating Panginoon.