1 Mga kapatid, gustung-gusto ko at lagi kong pinagpe-pray sa Diyos na maligtas ang mga kababayan ko! 2 Sigurado ako na talagang mahal nila ang Diyos, kaya lang hindi malinaw sa kanila kung ano ang tama. 3 Hindi nila alam kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang mga tao. At gumawa sila ng sarili nilang paraan kaya di nila sinunod ang paraan ng Diyos sa pagtanggap nya sa mga tao. 4 Tinapos na kasi ni Christ ang Law, para maging matuwid sa harap ng Diyos ang bawat taong naniniwala sa kanya.
Maliligtas ang Lahat
5 Sumulat si Moses kung paano matatanggap ng Diyos ang isang tao dahil sa pagsunod sa Law, sabi nya, “Mabubuhay ang taong sumusunod sa mga utos ng Law.” 6 Pero ito ang sinasabi ng scripture tungkol sa pagiging matuwid dahil sa faith, “Wag nyong itanong sa sarili nyo kung sinong pupunta sa langit.” Kasi, parang pinapababa nyo si Christ. 7 Wag nyo ring itanong, “Sinong pupunta sa mundo ng mga patay?” Kasi, pag ganun, parang pinapabangon nyo si Christ galing sa kamatayan. 8 Pero ganito ang sinasabi, “Nasa inyo ang mensahe ng Diyos, nasa labi at puso nyo.” Yan ang mensahe ng faith na pini-preach namin. 9 Kung sasabihin mong si Jesus ang Panginoon at maniniwala kang binuhay sya ng Diyos mula sa kamatayan, maliligtas ka. 10 Kasi, tinanggap tayo ng Diyos dahil naniwala tayo, at dahil sa pag-amin at pagsasabi natin kaya tayo naligtas. 11 Sinasabi sa scripture, “Hindi mapapahiya ang bawat naniniwala sa kanya.” 12 Kasama ang lahat dito kasi walang pinag-iba ang Jews sa Gentiles. Iisa ang Diyos at Panginoon ng lahat, mapagbigay sya sa lahat ng umaasa sa kanya. 13 Gaya ng sinabi sa scripture, “Maliligtas ang lahat ng humihingi ng tulong sa Panginoon.”
14 Kaya lang, paano sila hihingi ng tulong kung hindi sila naniniwala? Paano sila maniniwala kung hindi pa nila narinig ang mensahe? Paano nila maririnig ang mensahe kung walang nagpi-preach? 15 Paano maipi-preach ang mensahe kung walang pinapadalang messengers? Sinasabi nga sa scripture, “Ang gandang tingnan yung pagdating ng nagdadala ng Magandang Balita!” 16 Pero hindi tinanggap ng lahat ang Magandang Balita. Sinabi ito ni Isaiah, “Panginoon, sinong naniwala sa mensahe namin?” 17 Kaya nga, nagkakaroon ng faith ang tao pag naririnig nya ang mensahe, at naririnig ang mensahe pag pini-preach si Christ.
18 Pero ang tanong ko, hindi ba nila narinig? Syempre, narinig nila, kasi sabi sa scripture,
“Narinig sa buong mundo ang boses nila,
nakarating sa dulo ng mundo ang mga salita nila.”
19 Ang tanong ko ulit, hindi ba naintindihan ng bayan ng Israel? Si Moses mismo ang unang sumagot,
“Gagamitin ko ang mga taong hindi man lang isang bansa
para magselos ang bayan ko,
at gagamitin ko ang isang bansa ng mga walang alam,
para galitin ang bayan ko.”
20 Pero mas matapang si Isaiah nung sinabi nya,
“Nakita ako ng mga hindi naghahanap sa akin.
Nagpakita ako sa mga hindi nagtatanong tungkol sa akin.”
21 Pero tungkol sa Israel, ito ang sinabi nya, “Buong araw kong inaabot ang kamay ko sa bayan kong ayaw sumunod at matigas ang ulo.”